Wika Ko, Mahal Ko (Monologue Piece Sample)

 

Wika Ko, Mahal Ko

“Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda” yan ang sabe ni Gat Jose Rizal. Baket nga ba niya nasabe ito? Sa tingin mo ito’y walang tuturan? Sa tingin mo ito’y walang pinaghugutan?

Sa tingin ko meron! Dahil Ikaw, ako, tayong lahat! Ay mga Pilipino! Ngunit lahat ba tayo ay nagmamahal sa ating lupang kinabibilangan? Ikaw na nakatingin saken, mahal mo ba ang iyong wika? O ikaw ay higit pa sa mabahong isda?

Marahil, ika’y nagtatanung kung anung ginagawa ko dito. Nagsasalita lang? Nag-iingay? Ano pa! Nais ko lamang ay maintindihan niyo ang halaga ng ating wika. Anu nga ba ang ating wika? Ingles o Filipino? Marami sa aten ang mapagpanggap! Mapagpanggap na banyaga! Banyaga sa salita at kunwari hindi marunong magsalita ng wikang Filipino!

Pansinin niyo ang bansang Korea at Hapon, sila’y hindi marunong mag-Ingles, ngunit sila’y patuloy na umuunlad. Baket kaya? Dahil sila ay mayaman? Sila ay nagging mayaman dahil sila ay mapagmahal sa kanilang wika. E ano naman ngayon?

Anong petsa na?! Kung ikaw ay isa pa rin mapagpanggap na banyaga! Paano uunlad ang iyong lupa kung ika’y mananatiling ganyan? Hindi mo ba naisip na ang pambansang wika ay simbolo ng pagkakaisa ng bansa? At ang pagkakaisa ay ang daan sa kaunlaran ng ating bayan!

Ito ay hindi basta lamang salita. Ito’y tila hangin na kelangan ng bawat Pilipino san dako man ng mundo. Makarinig lang sila ng taong marunong magsalita ng Pilipino, sila’y tuwang tuwa at tila nakahanap ng lakas at liwanag sa gitna ng kanilang kalungkutan.

Dahil sa wikang Pilipino, ako’y natutong magsalita at kumilala ng aking tunay na mundo, ang mundo ng mga Pilipino. Kung walang salitang Pilipino, walang matatawag na Pilipinas. Mahalaga nga ba ang ating wika? OO! Sa tingin mo, ika’y makakatapos ng pag-aaral ng walang wikang Pilipino? Ikaw ba’y magkakaron ng trabaho kung ang salita mo’y Espanyol? At makakarating ka ba sa iyong kinalalagyan kung ang wika mo’y Intsik? Matuto kang lumingon sa wika na iyong kinagisnan. Wag mong baluktutin ang iyong dila, baka hindi ka na kilalanin ng iyong bayan.

Pag naririnig ng aking magulang ang tawag kong “Nanay” “Tatay”, sila’y napapangiti dahil ito’y nagbibigay ligaya at lakas sa kanila. Ang sarap pakinggan pag tinatawag nila akong “Anak” dahil nararamdaman ko ang kanilang pagmamahal.

Ako’y may tanung sayo. Alam mo pa bang sabihin ang “po” at “opo”? Dahil sa mga katagang ito, natututo akong gumalang sa mga nakakatanda. Ngunit, asan na ang mga kabataang dapat magsabe nito?! Tila habang lumilipas ang panahon, nababawasan an gating wika kasabay ng pagbawas ng magagandang katangiang ng pagiging Pilipino.

Wikang Pilipino ang huhubog sayo, saken at sa ating lahat bilang isang matuwid na mamamayan.

Comments

Post a Comment